Labels

Treat me a pizza ;)

Latest Posts:

How to Move on (Paano nga ba?)


Ang mga ibibigay kong tips sa inyo eh sarili kong strategies lang naman nung nasa proseso ako ng pag momove on. Eto yung mga nakatulong sakin sana makatulong sa inyo.

1. Let Go
Pakawalan mo na. Pakawalan mo na ang hindi para sa iyo. kasi kung para kayo talaga sa isat-isa hindi kayo maghihiwalay eh. Maghihiwalay kayo kasi hindi kayo para sa isat-isa. Parang singsing lang na hindi akma para sayo. Habang sinusuot mo siya, habang pinipilit mo siya lalo, lalong sumasakit, wag mo pagpilitan lalo kung nakakasakit na lang. Para lang ding damit na hindi kasya sayo masikip or maluwag, pag pinipilit mo yan magmumukha kang tanga.Okay lang ba sayo na magmuka kang tanga? Wag mong hayaang magmuka kang tanga. Tulad na lang nung palabas ni John Lloyd,ung pangalan niya "PoPoy" sabi niya "Mahal kita at ang sakit sakit na" Wag ganon, wag kang maging tanga. So Let Go.

2. Make yourself Busy
Kasi, pag wala kang ginagawa, lalo kang mapapaisip sa kanya, lalo na kung fresh pa yung hiwalayan niyo. Di ba pag bored ka, lalo kang mapapaisip ng kung anu-ano, kaya Libangin mo sarili mo, wag mong hayaang matulala ka, maglibang ka. Mag work out ka, mag exercise ka, magbuhat ka or magcardio yan nakakabawas ng stress yan, kaya kapag nakita ka ni Ex sa susunod at nasexyhan siya sayo. O kaya maglaro ka ng gameboy, Computer, o kaya ng app sa cellphone mo. Manuod ka ng Tv, Magbasa ka ng libro, dun ka sa terrace magkape ka habang nagyoyosi sabay soundtrip db, relax petiks. Basta libang lang wag masyadong mag-isip. Okay!

3. You have Friends and Family
Tanong ko sayo, ilang beses ka na bang nagpalit ng girlfriend or boyfriend, ilang beses ka na bang nawalan, ilang beses ka na bang pinagpalit, ilang beses ka na bang nasaktan? Pero ito ang tanong ko sayo, sino ang mga nanatili sa tabi mo? Sino pa nga ba, eh di yung mga kaibigan tsaka pamilya mo db, nandiyan na sila nung inlove ka pa lang, nasa kalagitnaan na kayo ng relasyon ni "ano". At nandyan pa rin sila hanggang sa masaktan ka at mananatili sila diyan para sayo, hanggang sa makamove on ka. Suporta sila sayo pag masaya ka, sila kakampi mo pag malungkot ka, sila tagapakinig mo tsaka tagapayo pag nasaktan ka, galing nila noh, wag mong hayaang ipagpalit mo yung maraming taong nagmamahal sayo, sa isang taong sinaktan ka lang, "That's a Big NO"!

4. MUSIC
Eto ang pinakapaborito kong part tsaka pinakapaborito kong paraan. Lalo na kung katulad kitang mahilig kumanta o maggitara or writer ka ng kanta. Pansinin mo ung mga Composer, kung yung relasyon nila eh nasa sitwasyon na masaya or malungkot, basta kahit anong sitwasyon, isusulatan nila ng kanta. Kasi para sakin ang mga lyrics ng kanta nila o ikaw, yan ung bulong ng puso mo eh. Pero eto ang payo ko wag ka munang makikinig ng malulungkot na kanta, lalo na kung brokenhearted ka, kasi pag brokenhearted ka tas soundtrip mo emotional, lalo mong madadama yon. Malakas talaga ang ambag or impact or kapangyarihan ng musika sa mood tsaka feelings ng tao. Wag mong masyadong damdamin Men!. Wag kang makikinig ng mga emosiyonal na kanta, tas sasabayan mo nung mga lungkot lungkutan moves mo, wag kang mag imagination na nasa music video ka. Wag ganon dre, wag masyadong dibdibin, Gamitin ang pakikinig ng musika sa positibong paraan.

5. Enjoy and move on
Kung gusto mong umiyak, UMIYAK KA!. Natural lang na reaksyon ng puso yan at isip. Syempre nasaktan ka. Pero habang umiiyak ka i-video mo sarili tas pagkatapos mong umiyak punasan mo ung luha mo sipon mo. Tapos palipas ka ng ilang araw or ilang buwan, tas panuorin mo yung video mo, baka matawa ka sa mala MMK mong galawan. Baka matawa ka sa mga pinag gagawa mo. Baka sabihin mo pa ganito pala ako kakulit non. Enjoy ka lang. Ang buhay ay tungkol sa pagmamahal tsaka pagsasaya, hindi ka sinilang sa mundong ito para pagmukaing miserable ng isang tao lang. Sabihin naman nating na para sayo "Ikaw lang ang nag-iisa" o "Ikaw ang pinakakaiba sa lahat". Pwe be yourself men. Ilang beses mo nang sinabi yan. Basta ENJOY AND MOVE ON! Kung puro masayang alaala niyo lang ang iisipin mo, di ba mas mahirap bumitaw?. Ang pagiging masaya sa isang relasyon ay part lang yan. Pero kung masaya talaga kayo "eh bat kayo naghiwalay" db?. Maghiganti ka, pero sa mabuting paraan. Paano? Pakita mo sakanya na masaya ka kahit wala siya ;).

Hahayaan mo bang ganito itura mo habang nag ppc ka.

Habang siya Ganito:

Eh kung pakita mong masaya ka eh di ganito itsura niya.

That's the "SWEETEST REVENGE"

Anung pipiliin mo maging malungkot ka dahil kasama mo pa ung nananakit sayo, o maging masaya ka dahil wala na siya?. Habang nagsasaya siya, ikaw naman nagdurusa. Ikaw mamimili nyan. Ganito kasi yan eh. Paano ka makakamove on kung di mo tutulungan sarili mo? db. O sabihin na nating madaling sabihin at mahirap gawin. Natural lang yon kasi, di naman isang click lang mawawala na ung sakit, ung feelings mo sakanya, natural lang yon nagmahal ka eh kaya ka nasaktan. Pero gawin mong Lesson yon, sabihin mo sa sarili mo "hindi na mauulit yon" imbes na sabihin mo sa sarili mo na natalo ka sabihin mo "natuto ka". Well kung inulit mo pa yan eh wala na akong magagawa, dikta ng puso mo yan eh. Pero tanungin mo ang sarili mo," handa ka na bang masaktan ulit at dumaan sa proseso ng pag momove on? " Mga idol ung mga binigay kong tips sa inyo eh opinyon ko lang naman. Obligasyon kong sabihin ang gusto kong sabihin, Hindi ko obligasyon na pasunorin o paniwalain ang lahat. Un lang ung mga ginawa ko nung nagmomove on ako noon dun sa ex ko. Pero dahil sa mga ginawa ko na yon ung limang paraan na yon eto na ako ngayon.


-Gwapo-



Share on Google Plus

About Unknown

Lloyd is the name , from Philippines. 22 years old single. Naniniwala ako sa kasabihang "Walang Forever".
    Blogger Comment
    Facebook Comment

1 comments:

  1. how to move on, more of dinedetach ko sarili ko dun sa feelings... pero meron yung times na puno na din ako and then suddenly umiiyak na pala ako pero nakareserve lang yun pag gabi :D Makipag kaibigan din sa madami para maraming distraction. Kung maraming pinag kakaabalahan, mas madaling makalimot.

    ReplyDelete